a poem i made for 04...i was rili damn bored in my class...etoh..
Lagi mong tinatanong,
kung mahal ba kita.
Kung ako ba'y tapat,
at 'di ka ipagpapalit sa iba.
Ito'y aking sinagot,
'Di lang minsan o ikalawa.
Ngunit ikaw parin ay
mabusisi at 'di naniwala.
Kung ikaw kaya'y nakatayo sa aking
mga paa,
ang nararamdaman ko ba'y iyong mapupuna?
mahirap sagutin ang mga bagay
na minsan 'di mo rin maiintindihan,
ang mga bagay-bagay na di mo
punang ako'y nasasaktan.
kung sasabihin kong,
"MAHAL KITA"
maririnig mo ba?
o gusto mo pang ito'y
aking uulit-ulitin?
kung ang sagot ko'y,
"MAHAL NA MAHAL KITA"
paniniwalaan mo ba?
O gusto mo pang ito'y aking patunayan
sa mga bituin?
sa lahat ng kagustuhan mo,
aking tinupad.
Mula sa pinakamahirap at pinaka-simpleng hiling.
Ngunit sa akin,
mayroon na bang napatunayan?
Kaya't ito't ito lang ang aking tatanawin,
paniwalaan mo,
"MAHAL KITA...
MATAGAL KO NANG INAMIN..."
7:00 AM; adaness poooofed @.