MISTULA
“PATAWAD FRANCIS. SAPAGKAT ITO’Y BAHID NA SUMPA SA AKIN. MINSAN LANG AKONG UMIBIG, PERO ANG MAHAL KO’Y UMIBIG KAY PAM, PINAGTAKSILAN TAYO NI PAM! MASAKIT NA SA AKIN NA MABIGO, PERO HINDI KO KAYANG MAKITA KANG MALOKO.”
“SA PAGKAGAT NG DILIM NAGSISIMULA ANG PANATAG KONG BUHAY..” ISA AKONG SAWI. AKO SI FRANCIS. ISINILANG SA MUNDONG MAGUBAL AT MAPANGANIB. NAISILANG AKO NA MAY KAMBAL. SI JENNA... LINGID SA KAALAMAN NG MARAMI, KAMI’Y MAGKAIBA. KUNG BAGA’Y AKO ANG SUMUSUKO, SIYA ANG NAGPAPASUKO; AKO ANG HINAHATULAN,SIYA ANG HUMUHUSGA SA IBA. KAYA HINDI IMPOSIBLENG ISIPIN NA, SA KATAPUSAN NG MUNDO; AKO ANG PAPATAY SA AKING SARILI HABANG SIYA ANG KIKITIL SA BUHAY NG MARAMI…
GANOON SI JENNA, MASYADO KAMING MAGKAIBA PARA MAIHALINTULAD SA ISA’T-ISA. BAGAMAT GANITO KAMING MAGKAMBAL, MAHAL KO SIYA. GANOON RIN SIYA SA AKIN. PERO, NAGBAGO LAHAT NG IYON NOONG DUMATING SIYA SA GABI NG NOBYEMBRE 17.NAGWAKAS ANG KUWENTO KO ILANG TAON MATAPOS ANG INSIDENTE.
“ISANG ARAW, INIIWASAN KO ANG DAANG PATUNGONG SIMBAHAN.” DAHIL NATATAKOT AKONG HUMARAP SA MAYKAPAL NA MAY MALAKING PUWANG SA PUSO.
NAKIPAGHIWALAY SI PAM SA AKIN KAHAPON. NAALALA KO PA NOONG SINABI NIYANG: “ANG RELASYON NATIN AY PAGKUKUNWARI LANG DAHIL GINAWA KO ITO SA AWA.”
NAHATI ANG PUSO KO, HINDI SA DALAWA O TATLO. HINDI KO MAIWASANG UMIYAK NA LAMANG HANGGANG MAGUNAW ANG MUNDO. SIYA NA ANG IKAAPAT NA BABAENG NAG-IWAN NG MALAKING HUKAY SA PUSO KO.
UNA, SI INAY- SINABI NIYANG HINDI AKO AANGAT SA BUHAY KAHIT ANONG GAWIN KO. SABI NIYA MAHAL NIYA KAMING DALAWA NG KAPATID KO, KAHIT ALAM KONG HIGIT NA PINAPABORAN NIYA SI JENNA.
IKALAWA, SI APRIL- MUNTIK NA AKONG NAGPATIWAKAL NOON SA TAAS NG GUSALI DAHIL NAKITA KO SIYANG MAY KARELASYON NA IBA. KAARAWAN KO NOON NUNG NAISIPAN KONG DALAWIN SIYA SA KANILANG BAHAY. PUMASOK AKO SA KWARTO AT NAKITANG MAY HINAHALIKANG LALAKI SA KAMA.
IKATLO, SI LHEA- MAGANDA NA SANA ANG TAKBO NG BUHAY KO, KUNG HINDI KO NALAMAN NA NAGAMIT AKO PARA MAIBIGAN SIYA NG AKING MATALIK NA KAIBIGAN. SA IKATLONG CUBICLE NG BOY’S C.R. KO NOONG BINALAK NA SUMUKO NA AT LUNURIN ANG SARILI. NAKITA AKONG BASANG-BASA SA C.R. AT AGAD NA SINUGOD SA OSPITAL. DALAWANG ARAW PAGKATAPOS NG INSIDENTE, AKO’Y NAGKAMALAY.
SI PAM ANG IKAAPAT. AT DAHIL SA KANYA, NARANASAN KONG SUGATIN NG UNTI-UNTI ANG AKING BRASO. BAKAS ANG PAGDADALAMHATI KO ANG MGA PASANG NASA KAMAY AT LEEG KO… MALAPIT NA AKONG MAWALAN NG TIWALA SA SARILI. PERO, HINDI KO MAISIP-ISIP KUNG BAKIT HANGGANG NGAYON, SINUSUBUKAN KO PARING MABUHAY.
IKALIMA, ANG AKING KAMBAL. ANG TUMAPOS AT NAGWAKAS SA KWENTO KO. NOBYEMBRE 17. MINSAN, ANG RASON NG ISANG PAMANTAYAN AY NAGIGING MALINAW MATAPOS NA MABALI ANG PANGAKO. PALAGING NANGUNGUNA SI JENNA SA LAHAT NG BAGAY… PALAGI SIYA ANG MATAPANG, MATATAG, MATALINO, MAGALING! NAKAKABAGOT ISIPING AKO ANG TALUNAN. PERO, LAHAT AY NAGBAGO SA ISANG IGLAP, SA ISANG GABI.
NOONG GABING IYON, UMUWI SIYANG DUGUAN, UMIIYAK AT MAY HAWAK NA BARIL. KINAUMAGAHAN, UMALIS SIYA SA BAHAY, HINDI NIYA SINABI KUNG SAAN SIYA PUPUNTA, O KELAN SIYA UUWI. BAGO SIYA LUMABAS, SINABI NIYA: “PATAWAD…” HINDI KO ALAM BAKIT MERONG LUKSONG NAGBABATID SA AKIN NA MATAKOT AT MANGAMBA. MERONG LUNGKOT SA KANYANG MGA MATANG HINDI MO MAIPINTA.
NAGKALAT ANG BALITANG MAY NATAGPUANG BANGKAY SA ISANG KANTO MALAPIT SA BAHAY KO. NAPAG-ALAMANG SIYA ANG MATALIK NA KAIBIGAN NI JENNA. SI PAM. INIMBESTIGAHAN ANG KANYANG KATAWAN AT NAITUKOY NA SIYA’Y NAMATAY NG GABI KAHAPON. AKO ANG KASA-KASAMA NIYA NOON BAGO KAMI NAGHIWALAY, KAYA AKO ANG UNA NILANG SUSPEK SA KRIMEN. NAKULONG AKO AT NAAKUSAHANG MAYSALA. SA LOOB NG KULUNGAN KO NAKITA ANG MGA NAKAKATAKOT NA KATOTOHANAN NG MUNDO NGAYON.
LAHAT NG EBIDENSIYA AY NAGTUTURO SA AKIN…
PAGKATAPOS NG ISANG TAON, NAKALAYA AKO. HINANAP KO SI JENNA. PERO SIYA ANG NAKATAGPO SA AKIN. NOBYEMBRE 16. INILANTAD NA ANG LAHAT. SINABI NIYANG SIYA ANG PUMATAY KAY PAM. HINDI NIYA MATANGGAP NA SIYA ANG GUMAWA NG KRIMEN KAYA NAG-IWAN SIYA NG MGA BAKAS NG EBIDENSIYA NA NAGTUTURO SA AKIN. HINDI NIYA MAKAKAYANG DUMIHAN ANG PANGALAN NIYA. PERO HINDI NIYA RIN KAYANG BUHATIN ANG PASAKIT NG KANYANG KONSENSYA, KAYA PINAGHAHANAP NIYA AKO PAGKATAPOS AKONG MAKALAYA.
“SANA ANG BUHAY AY PARANG ISANG PUNO, NA MADALING PUTULIN AT MULING BUHAYIN, IMMORTAL ANG IMAHEN…” ANG SUMUNOD NA ARAW AY TILA KAKAIBA SA AKIN. PUMUNTA AKO SA BAHAY NI PAM, NAG-ALAY NG BULAKLAK AT NAGSINDI NG KANDILA SA KANYANG ALTAR. SAKA SINABING: “SANA AKO NALANG ANG NASA PILING NG DIYOS.” HUMINGA AKO NG MALALIM, PERO NAGDADALAWANG ISIP NA ITULOY… NAGDUDUDA AKO SA AKING SARILI. KUNG BAKIT NAGAWA NG AKING KADUGO NA AKO’Y MABUHAY SA LOOB NG KULUNGAN SA ISANG TAON… INISIP KO KUNG GAANO KO SIYA TALAGA KAMAHAL. BINALAK KONG SABIHIN, PARA PAKAWALAN ANG LUKSO SAKING DAMDAMIN… PERO MERON PARING HINAGPIS PAG NAKIKITA KONG NAGDURUSA ANG AKING KAPATID.
SUBALIT SA AKING PAG-IISA, MAGWAWAKAS ANG LAHAT. NAKITA KO SI JENNA PAPALAPIT SA AKIN. SINABI NIYANG WAG AKONG MAG-ALALA, SAPAGKAT MAGSA-SAMA NA KAMING MULI NG TAHIMIK. ANG SABI NIYA:
“PATAWAD FRANCIS. SAPAGKAT ITO’Y BAHID NA SUMPA SA AKIN. MINSAN LANG AKONG UMIBIG, PERO ANG MAHAL KO’Y UMIBIG KAY PAM, PINAGTAKSILAN TAYO NI PAM! MASAKIT NA SA AKIN NA MABIGO, PERO HINDI KO KAYANG MAKITA KANG MALOKO.”
LUMULUHA AKONG LUMAPIT SA KANYA… GUSTO KONG MAWALA ANG PASAKIT NIYA SA MUNDO. YINAKAP KO SIYA NG MAHIGPIT, AT SA KATAHIMIKAN AY UMIYAK NA LAMANG. “NAIINTINDIHAN KITA. HINDI MAN MINSAN AY NAGALIT AKO SA IYO DAHIL ALAM KONG MALAKI KA NA… ALAM MO KUNG ANO ANG IYONG RESPONSIBILIDAD, AT KUNG ANO ANG TAMA…”
HINALIKAN AKO NI JENNA PAGKATAPOS AKONG MAGSALITA. TINIGNAN NIYA AKO AT SINABING: “MAUNA NA AKO, KUYA.” GAMIT ANG MISMONG BARIL NA GINAMIT NIYA SA PAGPATAY KAY PAM. MALAPIT LANG ANG KARAGATAN KAYA BIGLA KO SIYANG BINUHAT SA AKING LIKOD AT DUMIRETSO SA DALAMPASIGAN…
DOON SA DALAMPASIGAN KO NAALALA ANG NAKARAAN NAMIN NI JENNA. DOON KAMI NAGLARO AT GUMUHIT SA BUHANGIN. ALALA KO PA NOON KUNG PAANO AKO NATAKOT NANG MUNTIK NA AKONG NALUNOD AT KUNG PAANO AKO SINAGIP NI JENNA… HINDI NA MATAGAL-TAGAL BAGO TULUYANG NAGPAALAM NA SIYA SA AKIN.
TINUTOK KO ANG BARIL SA AKING DIBDIB AT MULING HINALIKAN AT YINAKAP SI JENNA. BUMILANG AKO NG TATLO. ISA, DALAWA… TATLO. BIGLANG TUMUGTOG SA ISIPAN KO ANG ISANG KANTANG HINDI KO PA NARIRINIG… HUMIGA AKO SA SAHIG NG DALAMPASIGAN AT UMIYAK KAKATINGIN SA LANGIT. SABAY NGITI AT PIKIT NG MATA.
“ANG AKING PAG-ILANLANG, DI AKO TATANGIS
SA HALIP AKING HAHALIKAN ANG SAGRADONG
LUPANG ATING SINAYAWAN
BIBILANGIN KO KUNG ILANG BITUWIN
ANG ATING SINULATAN NA PANGARAP
SABAY KAKAININ NG AKING MGA MATA
UPANG KUMISLAP AT MAGNINGNING…
DARAAN NA LAMANG AKO SA LUNAN NG
ATING SINILANGAN UPANG MASAKSIHANG
NANDOON KA AT NAGHIHINTAY SA AKIN.”
-ANG PAGHAHABI NG WAKAS
HABANG AKO’Y NASA KARAGATAN. ANG LUGAR KUNG SAAN KAMI AY LAGING NAGTUTUNGO, ITO’Y DI KO LUBOS MAIWAN. AKO’Y YAPAK AT NARARAMDAMAN KO ANG BAWAT BUHANGIN NA DUMADAPO SA AKING MGA PAA SABAY SA PAGLUBOG NITO AT NATATAMAAN NG ALON, NATATANGAY DIN ANG AKING MGA PANGARAP.
ISANG TAON NANG NAKALIPAS NUNG SIYA’Y PUMANAW. HINDI KO PARIN SIYA MALIMUTAN, ANG LAHAT NG KANYANG MASAKLAP NA DINANAS. TUMINGIN AKO SA MGA TALA, NAPAUPO. NAAALALA KO PA NA DITO KAMI NAGHAWAK KAMAY AT DITO NIYA AKO BINITAWAN. HINDI KO LUBOS MAISIP NA WALA NA SIYA. ANG BABAENG ‘DI KO INAKALANG MAMAHALIN KO MULA PAGKASILANG.
PATULOY NA DUMADALOY ANG AKING MGA LUHA HABANG INIISA ISA KONG INALALA ANG MGA ITO. AKO AY HUMIHILING HABANG NAKAUPO SA LUGAR NA KUNG SAAN KAMI SABAY NA TUMINDIG. ‘DI LUMAON, MAY NARAMDAMAN AKONG KAKAIBANG LAMIG. MAS TUMINDI ANG PANANABIK KO SA KANYANG MGA YAKAP. NARARAMDAMAN KO NA SIYA. HABANG TUMATAGAL, MAS LUMALALIM ANG AKING EMOSYON, NASISIGURO KO! SIYA NA NGA! JENNA! ANG HANGIN AY PATULOY NA LUMAMIG. HABANG ITO’Y PAPALAPIT SA AKING MGA LABI. HALIK IYON NI JENNA. TILA NAPAWI NG BIGLAAN ANG AKING LUNGKOT AT HINAGPIS SA BUHAY KONG WALA NANG KULAY. SA WAKAS YAKAP KO NA ULIT SIYA.
ILANG MINUTO LANG AY PAWALA NA ANG HANGIN SABAY NG AKING HININGA. AKO AY NAWAWALAN NA NG MALAY NA LUBOS NA NAGBABAKASAKALING MAKITA ULIT SIYA. SANA AY TULUYAN NANG MAKITIL ANG AKING BUHAY UPANG MATAKASAN NA ANG AKING MASAKLAP NA BUHAY.
ADA JOANA FE ARTAJOS HERLYN JOELLE MORALES
6:25 AM; adaness poooofed @.