AKING TALUMPATI
Sa bawat buhay ng tao, namalayan mo na ba kung ilang bese ka nang humingi ng tawad at nagsabi ng katagang, "SALAMAT" ? Es-el-ar, kung naririnig mo ang salitang ito, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Ang tanging "pioneer science class" ng paaralan? O maari din naman "Sayang class" na kadalasang sinasabi ng mga guro natin. O iyong klase naman na laging may nagwowok-awt na guro? Es-el-ar? Hirap talaga unawain noh? Kung anu man ang kabuluhang maero ang klaseng ito, isa lang nasisiguro ko, ang es-el-ar ang pinakamalaking barkada.
Mayroon diyan iyong KJ, makwela, loko-loko, weirdo, korny, patawa, madamot (pero bumibigay din pag walang assignment), mapagbigay, galante, kuripot, pero siguradong walang nang-iiwan. Hayaan niyo akong ipamahagi sa inyo ang aking pagkakakilala sa bawat isa sa inyo. Salamat sayo Sunshine, ang taong nagturo sa akin kung paano maging masaya kahit sobra ka sa kasutilan, pareho lang tayo dahil sayo ako nagmana. Salamat Kaloh, ang nagturo sa akin kung paano gumala. At sa pagtulong mo sa akin na ilabas ang totoong ako. Naalala mo pa ba noong unang araw ko sa klase? Ikaw ang unang kumausap sa akin para itanong ang kung anung oras na, pero sa kasamaang palad, hindi ako marunong tumingin ng oras. Sayo Kristal, sa pagiging kaibigan noong first year. Hindi ko malilimutan noong ungng narinig kita magmura. Nakakagulat. Salamat sayo, Ervin naging mabait ka sa akin noong initiation practices. At aaminin kop ala, naalala mo ba noong umiyak ka sa Audi dahil may bumatok sayo? Ako iyon! Peace pare! Bevz, ang aking kumare. Ikaw lang ang aking naging katuwang pagdating sa larangan ng pagiging fashionista.ü sana huwag kang magbabago. JD, nakita ko sayo ang imahe ng pagiging tapat sa pag-ibig. Ikaw ang pinaka-lovestruck na taong nakilala ko. Salamat sa alaala noong Firstyear, napakanta mo ako ng "I pink im inlove" at sumayaw ka naman. Jowangers, salamat sa lahat ng girl bonding, sa masasayang mga sandali, sa kantahan, sa kainan, sa pautang, sa gunbound, sa kodakan, at higit sa lahat sa pakikipagsapalaran. Ü sana ay makahanap ka ng mentholitis mo baling araw. Icy, sayo ko natutunan ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan at pagiging matapat dito. Patawad sa lahat ng maling nagawa naming saiyo lalo na noong 2nd year. Mis na mis na kita. Sana kung nasaan ka man, ingat ka nalang. Iris, alam kong maraming nagbago sa ating dalawa pero salamat parin sa lahat ng alaala. Dahil sayo, natuto akong umiyak noong Valentines day. Pero salamat narin at nakapasok kami sa disco ng libre. Salamat sayo Ephraim, kahit na sobrang magkasalungat tayo sa mga ideya at hindi na nagkakasundo minsan, salamat parin at naging mabuti kang kaibigan noong second year. Salamat din sa pugad baboy siyam pero nawala na iyon ni myka at Joshua. Jep, sa pagiging maginoo at makwela hindi kita malilimutan. Jokko, ang kapwa kong YM adik, salamat sa butterfinger sana sa uulitin, sa graphics, sa Drafting, SA mOCHA at sa Xerox copies. Sana kahit sa kolehiyo maging mabuti parin tayong magkaibigan. Kathie, sorry sa away natin noon. Hinding hindi ko talaga iyon malilimutan na sa katunayan eh kasalanan naman talaga iyon ni MYKA! Promise! Kahit itanong mo pa siya. At nabanggit naman na lang ang salitang “SORRY”, Joanna Mae, alam ko marami na kaming atraso sayo, lalo na sina Carol at Sunshine, kaya’t sorry na. Pero sana din naman ay magbago ka na rin. Dona, pasensya narin sa pagsusutil namin sayo ni Ephraim kapag may DEAP noong third year. At pangako ko sayo, hindi na kita tatawaging daga. Malugod akong nagpapasalamat sainyo Tin at Joana, kung hindi dahil sainyo di ako maadik sa YM. Tin, sana ay mapag-isipan mo nang mabuti ang mga tinatahak mo sa buhay. Salamat sa pagkwekwento mo ng lovelife mo, salamat sa tiwala. JC, salamat sa bargain ng hikaw at sa libreng buko juice noong tour natin. Lauriz, sa samahan natin noon sa Antipolo, at sa damayan natin doon, hindi kita malilimutan. Sana pagpalain ka ng Diyos kahit na tinambakan mo ako ng trabaho matapos ang Exchange Program. Maureen, salamat sa California Maki noong isang linggo. Ang sarap, grabe, palagay ko hindi ikaw ang gumawa nun. Gudluck sa studies mo. Jessica, alam ko naman na si Burnok lang ang tinitibok ng iyong puso, di bale, ialalakad kita sa kanya. Sorry nga pala noong nakatulog ako minsan noong nag-usap tayo sa telepono. Katrina, hindi man tayon ganon kalapit pero slam kong maasahan kita pagdating sa chismis. Kaya salamt narin. Gudluck sa lovelife! At kay Keneth naman, salamat sa masasarap na pagkain at mabonggang birthday party. Sa memories pagkatapos ng mga party mo, iyong movie marathon at tapalan ng cake. Sa uulitin, tosha! Maj, alam ko may hinahanap ka, huwag mo na sanang ipilit kasi, nawala ko na iyong tutubi mo. Promise! Maniwala ka sana, please! Angeli, salamat sa pagiging aktibo sa Drum and lyre at sa pag-comile ng mga proyekto natin. Katkat, ang bookstore ng bayan. Mabuhay ka! Sana kapag nasalubong mo ako, papansinin mo parin ako lalo na kapag kasama mo ang pinsan mong German. Herl, salamat sa kooperasyon mo sa proyekto natin. Magbago ka na tsong! Mariefer, galaw galaw ka, baka ma-istroke. Salamat sa pagturo mo sa akin sa Advance Chem. Sana maging magaling kang pharmacist. Shantel, sa lahat ng sayaw, pakopya ng notes, at higit sa lahat pautang, at pagpuno ng coin drive, mission drive, Christmas drive maraming salamat. Angelica, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan at nabanggit kita sa aking talumpati, hehe, biro lang. Salamt sa REBISCO biscuits noong UPCAT natin. Pasensya sa lahat ng pang-aasar. Rhea, naalala mo noong panahon na nagkapareho tayo ng crush? Buti naman at naisipan mong ipadala sa akin ang cell number niya, tuloy naging close kami. Ü ang hindi ko malilimutan noong third year ay si Lorinel, sa anumang natahak mo ngayon, sana ay di mo kami malilimutan na naging parte rin minsan sa buhay mo. Gudluck nalang sayo. Kay Ralph, kung nasaan ka man ngayon, sana ay naririnig mo ako. Pinagdarasal ko lagi ang iyong pagbabago, sumalangit nawa ang aking mga hinaing. Sana ay lagi kang maging masaya at magpasaya pa ng tao. Baling araw, mananalo din tayo sa numero mong 10-22. ü Barry, magbago ka na pare! Salamat sa lahat ng tawa at mga alaala. Ikaw parin ang number 1 (3x) para sa akin. Sayo naman Nikki, salamat sa pagsulat ng notes, sa calculator, sa pagtago ng lapis, sa pagbigay ng papel, at higit sa lahat sa CD. Pangako, hindi na kita ikukulit kay Barry, dib a Barry? Kay Timang, na laging nakatawa, sana ay hindi ka magbabago. Juni, sobra sobrang pasasalamat ko sa iyong pagiging maganda dahil dito, nagkaroon ako ng kadamay. Ingat ka lagi dahil kakaunti nalang tayo sa mundo. Sana ay magkita tayo sa pageant ng Miss Universe, magtuturn-over ako ng korona. Jamaica, salamat sa pagiging mababaw sa pagtawa, dahil sayo may tumatawa sa mga jokes naming ni jowa. Iwasan mo lang ang pagiging masungit, masama yan sa katawan. Luth, ang babaeng bading. Salamat dahil kasama kita sa pagpasa ng mga late projects. Salamat sa pagkakaibigan. Yves, sorry sa pagiging kontrabida ko noon. Bilib ako sa tapang mo. Sana ay makakasama parin kita hanggan kolehiyo. Aasahan ko na ililibre mo din ako ng tukneneng. Mykatots! hay, sa dinami ng napagdaan natin at sa mahabang pananahimik ng ilang buwan, isa lang masasabi ko, “Layuan mo na si Godo!” hinde, biro lang, “salamat tol, namiss kita…sobra”. Teh, ang ate ko habang buhay. Sana ay mag-ingat ka sa lahat ng gagawin mo at sa anumang desisyon mo sa buhay. Goodluck sa kolehiyo. Alam ko naming makakasama pa kita kaya hindi ko na hahabaan ito. Ü salamat. At huli, sa isang mabuting kaibigan, kung nasaan ka man ngayon, sana ay huwag kang magparamdam. Biro lang. sana ay ipagdasal mo kami sa taas.
Apat na taon, kay haba. Pero parang ilang oras lang na,lumipas din a natin namalayan. Ingat nalang sa lahat. Kaya’t ayan, mga baliw, huwag na kayong magreklamo. Walang personalan ito. Sana ay dumalo kayo sa aking selebrasyon sa ating pagtatapos. Sana ay magkakasama pa tayo hanggan sa huli. Hindi ko man napagkasya ang lahat ng gusto kong sasabihin pero sana ay sa simpleng talumpati na ito, sa isang salita iyon lang ang gusto kong iparatin, salamat Es-el-ar, kabarkada mo!
5:33 AM; adaness poooofed @.